First Beach Adventure: Laki Beach of Five Fingers Cove

Nag-hahanap pa rin ba kayo ng beach na malapit sa Manila at pwede ang mga furbabies na tulad namin ni #SnowTheDogBlogger? Pwede nyong subukan ang Laki Beach sa Five Fingers Cove ng Mariveles – ang probinsya sa Bataan na nasa history books dahil sa makasaysayang Death March.

Apat (4) na oras ang byahe mula sa Manila pero salamat sa 1Bataan dahil mas lalong napadali at napabilis ang byahe papunta dito. Maari na kayong magpa-book sa 1Bataan ayon sa blog ng Project Gora. Pero wala dyan sa dalawang yan ang naging ruta namin dahil galing na lang naman kami ng Bulacan.

Nag-sisimulang makilala ang Laki Beach ngayon sa social media dahil talaga namang napakaganda nya. Pino at puting buhangin, malinaw na tubig, sariwang hangin ang pwedeng ibigay sayo ng beach na to.

Saktong sakto para maisantabi mo ang mga hugot mo sa buhay. Pero bago natin pag-usapan ang Laki Beach, pag-usapan natin ang iba pang parte ng Five Fingers Cove at side trip sa naging adventure namin sa Mariveles.

Bakit Five Fingers Cove ang tawag dito?

Tinawag na Five Fingers Cove ang lugar dahil kung titingnan mo ito mula sa itaas mukha talaga syang limang daliri at lahat ng cove dito ay pwede nyong puntahan – pero syempre dapat maganda ang panahon para hindi maalon. Ang Talain Cove, Apatot Beach/Cove, Pulong Kwayan Cove/Bat Cave, Tinanlakan Cliff Diving, Nagbintana Arc at Laki Beach ang bumubuo sa Five Fingers Cove.

Hindi kami dinala ng bangkero namin sa lahat ng Cove dahil ilang spot lang ang hinintuan namin. Sad kasi nagbayad naman kami ng buo sa renta sa bangka.

The Bat Cave/Pulong Kwayan Cove

Para sa mga marurunong lumangoy pede nyong pasukin ang loob ng bat cave para makilala at makita nyo ang mga kamag-anak ni Dracula. Medyo mahirap mag-picture picture sa gilid lalo na kung dumagsa na ang mga tao dahil kailangan mong kumapit sa mga matutulis na bato para di ka ma-fall kasi masakit kapag hindi ka sinalo ng bangkero nyo.

Tinanlakan Cliff Diving

Para naman sa mga gusto ng extreme subukan nyo na din mag cliff diving sa Tinanlakan Cove kung saan ang babagsakan nyo lang naman ay 40 feet sabi ng mga bangkero. Masaya sana kung marunong ka lumangoy para di ka mapahamak. Sana kung malulunod ka lang sa pagmamahal ng crush mo okay alng kahit di ka marunong lumangoy di ba?

Nagbintana Arc

Dito masarap mag pictorial dahil sa ganda ng rock formation. Maganda umawra dito tulad ng ginawa namin ni Snow. Kayang lakarin ang iba pang parte ng lugar dahil mababaw lang naman ito pero puro bato nga lang kaya kailangan ng doble ingat lalo na kung may kasama kayong mga furbabies. Sana kung ikaw lang yung masusubsob di ba?

Side Trip

Sisiman Lighthouse

Pwede nyong puntahan ang Sisiman Lighthouse bago or pagkatapos nyo pumunta sa Five Fingers Cove. Walang bayad sa Sisiman Lighthouse at madali naman talaga itong puntahan mula sa parking area ng nasabing lugar. Pero may mga bata don na nagbabakasaling maambunan ng konting biyaya mula sa mga dumadayo para i-guide sa lighthouse katulad ng paghihintay mong maambunan din sana ng konting pagtingin ng crush mo. Kung matatag-tatag pa ang mga tuhod nyo pwede nyo din subukan akyatin ang isang napakalaking tipak ng bato na kung tawagin ayon sa waze app ay San Miguel Peak. Pwede nyo din subukan akyatin ang groto na nasa katapat ng peak. May beach din dito pero hindi namin nakita ng maayos ni Snow kung maganda ba dahil sa side namin puro malalaking bato ang nasa harap ng mga cottages.

Main Event

Laki Beach

Dito pwedeng mag-overnight. Namnamin ang sariwang hangin habang nakahiga ka sa puting buhangin, pero syempre wag naman yung tirik na tirik ang araw dahil kawawa naman kaming mga furbabies. Pwedeng magdala ng sariling tent or pwede din namang mag-rent ng tent doon. Iilan lang ang cottage nga lang kaya naman first come first serve or kung tama yung narinig namin ni Snow pwede na kayong mag-pareserve kung may contact kayo doon. Mag-dala ng maraming tubig hindi lamang dahil mabilis kayong mauhaw sa sobrang init ng panahon dahil syempre kasama nyo kami. Kung mauubusan ng tubig may binebentang 6 liters ng mineral water don pero nagkakahalaga ito ng 170php. Kahit na makikita mong dagsa dagsa ang bumababa sa mga bangka na paparating hindi mo makikitang punong puno ng tao ang harapan dahil may mga pwedeng mapuntahan na lugar na magandang pang pictorial. Kaso manggigilid ka nga lang sa mga batuhan para marating yun. Hindi na namin napuntahan dahil nahirapan si Daddy Payat na hawakan si Snow habang inaalala si Mommy Liit at ako pati na din ang bago nyang Oppo F7. Pagdating naman sa palikuran, may available naman kaso syempre pila at mag-iigib ka pa ng pampaligo kung gusto mo ng magbanlaw. Kung hindi ka naman maarte tulad namin, doon na kami mismo nagbanlaw sa labas kung nasaan ang source ng tubig.

Panoorin ang aming munting video na gawa ni Daddy Payat

Paano pumunta ng Five Fingers Cove?

Kung galing kayo ng Manila at gusto nyong mag DIY, ang bus line na tulad ng Genesis at Bataan Transit sa Cubao ay Pasay ay may daily trip papuntang Mariveles. Pagkababa sa terminal sumakay ng tricycle papunta sa Porto sa bayan ng Balon at sa Porto pwede na kayong makipag tawaran sa mga bangkero para ilibot kayo sa Five Fingers Cove at ihatid sa Laki Beach at magpasundo kung anong oras nyo gusto. Pero ang sabi ng bangkero namin ay 5:00pm ang last trip ng bangka pabalik ng Porto dahil mukhang mahirap na pumalaot ng madilim na ang paligid.

Magkano ang magagastos?

  • Manila – Mariveles: 280php (based on blog of jontotheworld)
  • Mariveles – Porto: 75php (based on blog on jontotheworld)
  • Boat Rental: 3500php (based on our experienced / minimum of 5 maximum of 10 persons additional 300php-350php per pax)
  • Laki Beach Entrance: 200php (based on our experienced)
  • Porto – Mariveles: 75php
  • Mariveles – Manila: 280php

Total: 4,410php

Isang mahalagang paalala lang sana ang gusto naming iwan sa lahat ng pupunta sa Laki Beach, huwag sanang babuyin ang isla. Itapon sa tamang lugar ang plastik na gagamitin sa oras ng tsibugan.

Advertisements

Adventure at Rizal

Sino ba naman ang ayaw makapag gala tuwing summer? Syempre wala, kaya naman hindi papahuli ang inyong mga blogger na pomeranian. At ngayong #Summer2018 – kami ni #SnowTheDogBlogger ay gumala sa Rizal all the way from Bulacan. Hindi alintana ang init kahit na naka-ordinary bus kami nila daddy pa-Cubao.

At pagdating ng Cubao doon na namin hinintay si mommy para bumiyahe papuntang Rizal. At after ng halos apat (4) na oras mula sa Bulacan narating din namin ang aming destinasyon.

Sabi sa ibang blog, ang Sierra Madre Mountain Resort Hotel and Conference Center ang unang resort na naitayo sa area na to. Kung totoo man ito, makikita naman talaga ito sa ilang bahagi ng resort. May lumang swimming pool at may lumang hanging bridge kayong makikita sa loob ng resort. Pero sa kabila nito madami pa din ang nagpupunta dahil maganda ang area lalo na para sa mga gustong mag team building dahil madami pa din silang ino-offer na attractions. Ilan sa mga ito ay sinubukan namin ni Snow.

Matapang na tinulay ni Snow ang bagong hanging bridge papunta sa malaking Sto. Nino. Ito ay makikita sa bungad lamang ng resort tapat ng function hall nila.

Nag-pictorial din kami ni Snow sa mala-hardin sa bahay ng isang Romano na matatagpuan katabi mismo ng function hall.

Samantalang ako naman ay umawra sa view deck ng resort. Tamang tama ang background para sa mga gustong mag-emote or di naman kaya ay mag-pre nup.

Nilibot pa namin hanggang sa dulo ang resort at nakakita kami ng playground kaya naman sinubukan din namin mag-swing. Ma-eenjoy ito ng mga chikiting nyong kasama.

Ang kwarto na kinuha namin is nagkakahalaga ng P3,500.00 at kasya dito ang pitong (7) katao, hindi nga lang aircon pero bakit ka pa mag-aaircon kung ang klima naman is malamig di ba?

Sinubukan din naming maglakad sa trail papuntang falls. Sa daan papuntang falls, may isa pang swimming pool na madadaan. Maganda para isang private occasion dahil may mga available din na room sa area.

Hindi din naman kayo magugutom after ng mahabang lakaran dahil may available na food na pwedeng pag-orderan ng pagkain.

Paano pumunta sa Sierra Madre Mountain Resort

  • Cubao – Cogeo (30- 35php / Jeep or UV Express)
  • Cogeo – Sampaloc (55php)

Sabi ng ibang blog hindi 24hours ang byahe dito unless may tricycle na umaasa tulad mo na sana may magbakasali na pumansin sa kanya sa halagang 500php ang isang byahe pabalik Cogeo.

Narito pa ang ilang kuha ni daddy sa mga view sa resort

Sa loob ng resort is madaming doggo ang nakakalat pero mga friendly dogo naman, narito ang ilan sa nahahip ng camera ni daddy. May ilang guest din na may mga dalang pupper sa kanilang bakasyon.

Syempre hindi mawawalan ang selfie namin sa aming mommy at daddy.

Place: ⭐️⭐️⭐️

Rate: ⭐️⭐️⭐️

Food: ⭐️⭐️⭐️

Pet Friendly: 🐶🐶🐶

Piso Advocacy

Sa panahon ngayon na puro smart phone ang hawak ng halos Pilipino at maghapon nakatambay sa Social Media like Facebook naisip ni daddy na bakit hindi nya gawing kasangkapan ang pag-i-scroll up and down, shares and likes ng mga ito para sa kanyang advocacy tuwing birthday nya na nag-simula ngayong 2018 kung saan taon ng mga aso sa kalendaryo ng mga intsik.

Continue reading

The Purple Groom Experience

img_7052

Hindi pa kami napa-groom nila mommy at daddy simula ng maging furparents namin sila ni #FiretheDogBlogger. Kaya naman nong nagkaroon ng pa-contest ang Royal Canin Philippines sinali nila kami sa #SearchfortheFluffiestDogCoat event. And sa dami dami ng mga furbabies na sumali, napasama kami sa 10 lucky winners na mabibigyan ng free grooming service ng The Purple Groom sa kahit anong branches nila sa Metro Manila. Narito ang video entry naming dalawa para sa event.

Continue reading